Mga Karaniwang Katanungan

Maaari ba akong magdala ng kasama?

Nais naming ipagdiwang ang okasyon kasama ang mga imbitadong kaibigan at pamilya. Hinihiling namin na sundin po lamang ang nakalaang upuan sa inyong mga imbitasyon.

Pwede ba naming isama ang aming mga anak?

Maliban na lamang kung nakalista ang mga anak sa imbitasyon at sa pagtugon sa imbitasyon, ito ay isang pagdiriwang na para sa mga matanda lamang.

Saan pwede pumarada?

Nuestra Senora de Gracia:

Maaaring pumarada sa loob ng lote ng simbahan.

Jardin ng Baluarte de San Diego:

May nakatalagang paradahan sa Santa Lucia Parking Lot para sa atin. Ipabatid lamang sa kanila na naroon kayo para sa aming kasal.

Paalala sa tagpuan ng kasal at salu-salo

Hinihiling namin na dumating sa simbahan nang maaga upang tayo’y makapagsimula at makapagtapos sa nakatakdang oras.

Dahil walang aircon ang simbahan at gaganapin sa labas ang ating salu-salo, hinihikayat namin na magsuot ng kumportableng damit at sapatos para mas enjoy ang ating selebrasyon.

Paalala sa mga handog

Ang pinakamagandang handog na maaari naming matanggap ay ang inyong presensya sa aming pagdiriwang. Subalit kung nais ninyo kaming bigyan ng isang munting alaala, kami po ay lubos na magpapasalamat sa anumang regalong pinansyal para sa pagsimula ng aming bagong yugto bilang mag-asawa.